Nabatid na nagkaroon ng sunog sa nasabing lugar noong bisperas ng
Bagong Taon kung saan 800 na bahay ang natupok ng apoy at pinaghihinalaang
nagmula ang sunog sa mga paputok. Humigit kumulang apat na libong pamilya ang
nawalan ng tahanan at mga kagamitan sa nasabing trahedya.
Ang Grupong
United Youth for Peace and Development (UNYPAD) sa pamumuno nila Mr. Alvinsor F Zinggon at Mr. Mohammad "Kuya Amin" Ramalan Hamza, kasama ang Motorcycle Riders of Quezon City sa pamumuno ni “Kuya Amin” ay nagkaroon ng pagpaplano
at pagtulong sa mga nasunugan sa Barangay Apolonio noong Enero 04, 2015. Sila
Ay nagtulong tulong kaakibat ang CRS-AFP, 7th CRG sa pagbibigay ng
mga relief goods sa mga biktima ng sunog.
Ayon kay Kuya
Amin, ang ginawa nilang hakbang ay pagpapakita na ang mga kabataang Muslim ay
nakikiramay at nakikisampatya sa mga biktima ng sunog, Kristyano man o Muslim.
Ang kaganapang
ito ay isang patunay na lumalakas at dumadami ang mga kabataang nagkakaroon ng
muwang at pakialam sa kanilang kapwa at bansa. Ang pagtulong ay walang
limitasyon kung kayat ang mga kabataang ito sa kanilang sariling pangunguna ay
nagsagawa ng pagtulong at pagdamay sa mga biktima ng sunog. Isa ito sa mga
kabayanihang dapat kilalanin at ipagmalaki ng ating bansa.
No comments:
Post a Comment