By Bombo Tacloban
TACLOBAN CITY - (Update) Patuloy na tinutugis ng mga tauhan ng 8th Infantry Division ang mahigit kumulang 20 mga miyembro ng New People's Army (NPA) na umano'y responsable sa pagsunog ng tatlong dumptrucks at isang backhoe ng isang construction company sa quarrying site sa Brgy. Vigan, General McArthur, Eastern Samar.
Sa impormasyon mula sa pamunuan ng 8th Infantry (Stormtroopers) Division na nakabase sa Calbayog Samar, napag-alaman na nagsasagawa ng quarrying operation ang pitong tauhan ng Hanjin-Yakal joint venture nang biglang bulabugin ng mga rebelde.
Pagkatapos ng ginawang pananakot ay agad inutusan ang mga biktima na lisanin ang lugar kung saan sunod na sinilaban ang mga construction equipment.
Ang Hanjin-Yakal ay nasa pamamahala ng Millenium Challenge Account Philippines na kasalukuyang nagsasagawa ng road widening project sa bayan ng Llorente at Guiuan, Eastern Samar.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P19 million kung saan nasa 33 percent na sa kabuuan ang natatapos.
Kaugnay nito hindi maitago ni Major General Jet Velarmino, 8ID AFP commander ang kanyang pagkadismaya sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment