AFP: Always Forging for Peace!

45 Years of Lies and Deceptions of the CPP-NPA-NDF #htmlcaption1 Soldiers for Peace YES TO PEACE..STOP TERRORISM!

Monday, July 8, 2013

Pagkapaslang ng walong NPA sa Sorsogon, hindi masaker


Gamit ang kagalingan sa taktika ng pakidigma, nagapi ng mga sundalong pinamunuan ni 2nd Lt Alfie Ayo ang mga bandido na nakasagupa sa Bgy Calmayon, Juban Sorsogon noong umaga ng Hulyo 6, 2013. (Larawan ni Kawal Pinoy)


LEGASPI CITY----Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Philippine Army sa Bicol ang paratang ng mga CPP-NPA-NDF na masaker ang pagkapaslang sa walong mga kasapi nito sa Juban, Sorsogon. 

Ayon kay Colonel Joselito Kakilala, ang pinuno ng 903rd Brigade na syang nangangasiwa sa buong lalawigan ng Sorsogon at islang lalawigan ng Masbate, isang lehitimong engkwentro ang naganap noong nakaraang Sabado ng umaga, ika-6 ng Hunyo 2013. 

"Nagkaroon ng palitan ng putok at ang mga bandido pa ang naunang nagpaputok nang makita ang papalapit na sundalo na gumapang papalapit sa kanila," sabi ni Kakilala. 

Sabi pa ni Kakilala, umabot sa humigit kumulang sa kalahating oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig ngunit nanaig ang kagalingan ng mga sundalo sa pakikidigma. 

Nasamsam mula sa mga bandido ang pitong matataas na kalibre ng baril kasama na ang limang M16 Rifles at  dalawang M203 Grenade Launchers. 

Nabawi rin mula sa mga bandido ang dalawang improvised bombs na ginagamit ng mga bandido sa pang-aambush ng mga sundalo at kapulisan. 

Hindi rin aniya totoo na nakakumpiska ng perang umabot sa P300,000.00 ayon sa isinawalat ng CPP-NPA-NDF.

"Kung totoong me pera silang ganon kalaki, maaaring dala-dala ito ng mga nakaeskapong mga kasamahan nila. Nananawagan ako sa bandidong me hawak nito na gawin na lamang itong abuloy para sa mga kapamilya ng mga nasawing bandido," dagdag ni Kakilala.

Hindi na nakapagtatakang naghuhumiyaw ng paglabag sa karapatang pantao at International Humanitarian Law ang mga bandido tuwing nalalagasan sila sa mga bakbakan laban sa militar. 

Ngunit kung susuriin ang kanilang mga proklamasyon sa kanilang mga websites, walang habas naman ang kanilang pagpatay ng mga inosenteng sibilyan na pinagbibintangan nilang mga espiya ng militar. 

Matatandaang umabot sa humigit kumulang na 50 ka tao ang pinaslang ng mga bandidong NPA sa Kabikolan simula noong taong 2009 hanggang 2010. 

Kasama sa mga biktima ay mga sundalo at CAFGU na nakabakasyon, pati mga pulis at mga sibilyang napagbibintangan ng mga bandidong NPA ng kung anu-anong mga kasalanan kagaya ni Jason Nierbesa ng Camalig, Albay na pinatay dahil sa akusasyong ito ay isang holdaper. 

Pitong matataas na kalibre ng baril at mga ipinagbabawal na bomba (landmine) ang nasamsam ng militar mula sa walong bandidong nasawi sa engkwentro. Ang mga naturang armas ay ginamit ng mga bandido sa pakikipagpalitan ng putok sa mga magigiting na mga sundalo ng 31st Infantry Battalion (Larawan mula sa 31st Infantry Battalion). 





13 comments:

  1. A MESSAGE TO THE NPA REBELS

    It's clearly a hopeless battle for the NPA rebels.

    Save your lives and take the battle to the confines of politics and mass media. There, your voices will be heard by the mainstream and you will get their support if these are reasonable enough. It's the only positive option for you.

    Your brains are for the debates and not for fighting a hopeless gun battle.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matatalino mga NPA, nakapagaral pa sa UP karamihan. alam nila na wala naman talaga patutunguhan. Sayang daw po kasi ang kolekta nilang revolutionary taxes sa mga masang pilipino. pagita gitara lang sila sa bundok kumikita sila ng pera.
      hindi rin sila puede kumalas sa samahan kahit manawa na sila kasi mismong kasamahan nila ang papatay sa kanila. yan ba ang tinatawag na "kapatiran" mga gunggong na NPA salot sa lipunan

      Delete
  2. kahit ilan ang namatay sa panig ng npa at kahit ano pang sasabihin nila wala akong symphaty sa mga taong ganyan na lumalabag sa batas kong maganda ang layunin nila sa kapwa nila pinoy at sa taong bayan bakit ang mga inocenting tao dinadamay nila sa princepyo nilang walang katuturan makasarili cla ang mga pinono nila ang yumayaman kaya para sa akin dapat lang ubusin at pulbosin cla ng mga kabaro ko.to all the army that involve the fight agains'nt those asshole and coward npa.bravo and keep up the good work.may godbless you all always....

    ReplyDelete
  3. Para sa mga hinayupak at mga salut sa lipunan na tinatawag nating NPA, mahiya naman kayo! hanggat sa nag papagamit kayo sa mga putang inang mga politikong tao na ang gustoi ay sirain ang ating Gobyerno walang bibilib sa inyo. namulat na ang taong Bayan kung ano at sino kayo! di kami ganun ka bobo tulad ninyo. lkaya tigilan nyo na yung sinasabi nyong pakikibaka wala kayong mapapala. Hanggat may kumunista o makakaliwa sa isang Bansa walang mangyayaring pag unlad na noon pa ay ating inaasam asam. Kung ang ginigiit nyo ay may mga tiwaling Opisyal na namumuno sa ating Gobyerno kaya kayo nag kakaganyan ehh wala na kayong pinag kaiba sa kanila. Mamuhay kayo ng maayos at ng umunlad naman tayo.

    Kung ang sinasabi nyong masaker ang nangyari sa pagkakapaslang sa mga kasapi nyo sa kilusan nitong nakaraan... wala kayong karapatan na sabihin sa taong Bayan iyan dahil una sa lahat rebelde kayo wala kayong karapatan na mag hari dito sa Bansa.

    My Snappy Salute sa ating mga sundalo!.... keep it up soldiers and keep safe always!

    ReplyDelete
  4. Salot sa bayan ang mga chinese sympathizers at bandidong mga ito. To our military intelligence, bakit hindi ninyo pagplanuhing iligpit si Sison at Jalandoni para mabawasan pa ang mga salot?

    ReplyDelete
  5. Dahilan Bakit Patuloy Na May Rebelde (reasons why NPA thrive)

    click this link below or simply copy and paste into your browser:

    http://z6.invisionfree.com/flipzi/index.php?showtopic=345

    ReplyDelete
  6. Job well done...Lt AYO and company!! Go get 'em all and let GOD sort 'em out..

    ReplyDelete
  7. Dapat lang sa mga salot ng bayan ang ngyari sa mga NPA na yan.. sa dami ng buhay na kanilang pinatay sa hanay ng militar at pulis lalo na sa mga inosenteng sibilyan na patuloy nilang pinapahirapan.. GOOD JOB ARMY GOD BLESS TO ALL and the Officers and men of 31st IB God bless po sainyo lahat... I SALUTE U ALL SIR...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa Sorsogon presyo ng Gasolina 61/liter sa manila 51/liter. bakit?
      pano bayad na mga negosyante sa gobyerno ng 12% vat hihingian pa sila ng mga salot sa lipunang NPA. dapat sa mga yan talaga imasaker na lahat ng maubos na sila.

      Delete
  8. congrats LT. AYO and company for the job well done...god bless us always to continue our mission in a glorious way...may the lord guide us always....

    ReplyDelete
  9. nakakatawa naman tong mga NPA na to masaker e lumalaban ng barilan sa AFP E YON ngang inambush nila na privte vihicle na may isang pulis lang sabihin nyo sorry mga gunggung kasama na yong mga nasa kongreso na NPA mahiya kayo sa balat nyo magtrabaho kayo ng patas di yong manghihingi na lng sa mga mahihirap nating kababayan WE SALUTE YOU AFP.

    ReplyDelete

Ipaglaban ang ating Kalayaan!

The West Philippine Sea is Ours!Support our campaign..#NoToChinaInvasionEnvironmentDestructionxinchai |...

Posted by Kawal Pinoy on Monday, May 11, 2015

Recent Post

Blog Archive

Followers