AFP: Always Forging for Peace!

45 Years of Lies and Deceptions of the CPP-NPA-NDF #htmlcaption1 Soldiers for Peace YES TO PEACE..STOP TERRORISM!

Monday, July 15, 2013

Mga 'Shooting Generals' sasali sa CSAFP Cup 2013



 
























CAMP AGUINALDO, Quezon City- Nagpahayag ng kanilang kagustuhang sumabak sa CSAFP Cup 2013 ang mga kalahok sa Games of the Generals, ang patimpalak sa pagtudla ng mga star-ranked officers ng iba't-ibang armed services sa ating bansa.
 
Ito ay pagkatapos na inanyayahan ni AFP Chief of Staff Lt General Emmanuel Bautista ang mga heneral na lumahok sa Games of the Generals na pinangasiwaan ng Philippine Coast Guard noong nakaraang linggo, ika-14 ng Hulyo 2013.
 
Ayon kay Bautista, apat na shooting stages lamang mula sa 10 stages ng CSAFP Cup ang sasalihan ng mga 'Shooting Generals' para ma-sigurado na matapos ng mga kalahok ang laro sa loob ng isang araw.

"Ang mga heneral ay lalahok lamang sa Stage 1-4 ng CSAFP Cup 2013, nang matapos nila ito sakaling puputok sila sa huling araw ng naturang competition na magaganap sa ika-11 ng Agosto 2013," ani Bautista.
 
"Paghandaan naming mabuti ang palaro na yan. Magsimula agad ang aming shooting practices tuwing bakante ang aming oras," sabi ni Major General Benito De Leon, ang pinuno ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army na nagwagi ng medalya at tropeo sa katatapos na Games of the Generals.
 
Ayon naman ng Match Director ng CSAFP Cup 2013 na si Lt Col Harold Cabunoc, pwedeng gamitin ng mga heneral ang nakasanayang mga competition pistols kahit ano pa man ang kalibre nito.

"Hindi na isaalang-alang sa chrono test ang mga 'Shooting Generals' dahil hindi sila kasali sa regular shooters ng naturang palaro. Ngunit, parehas na shooting stages 1-4 ang madadaanan ng mga regular shooters at mga heneral," sabi ni Cabunoc.
 
Ang CSAFP Cup 2013 ay isang patimpalak na layuning magkalap ng pondo para sa mga kabataang naulila ng Typhoon Pablo sa Compostela Valley noong nakaraang taon.
 
Labing-lima sa mga kabataan ay pinag-aaral na ng mga miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1981 na kinabibilangan ni General Bautista.
 
"Nais ng butihing AFP Chief na si General Bautista na mapatapos ng kolehiyo ang mga beneficiaries ng naturang proyekto," sabi ni Cabunoc.
 
Ang CSAFP Cup ay gaganapin sa ARMSCOR Shooting Center Firing Ranges sa Marikina City sa darating na 9-11 Agosto 2013.
 
Tinatatayang aabot sa 500 na sundalo, pulis at mga sibilyan ang lalahok sa CSAFP Cup.
 
 
 




2 comments:

  1. hi ask ko lang po magkano po ang entrance? thank you po

    ReplyDelete
  2. This is a great project, sirs! May the best shooter wins. I'm sure typhoon Pablo victims will be very thankful after this very generous cause.

    Ranger Perots: A Wise Filipino Soldier

    ReplyDelete

Ipaglaban ang ating Kalayaan!

The West Philippine Sea is Ours!Support our campaign..#NoToChinaInvasionEnvironmentDestructionxinchai |...

Posted by Kawal Pinoy on Monday, May 11, 2015

Recent Post

Blog Archive

Followers