CAMP GENERAL EMILIO AGUINALDO, Quezon City - Isang mataas na opisyal ng NPA ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa Davao City kagabi ng alas siete.
Si Vincent Estrada aka Dennis Montecillo/Boards/Brod/Oban pinuno ng Regional Instructors Bureau ng Regional Operation Command Southern Mindanao Regional Committee ng NPA ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Army ng 10th Infantry Division at ng Criminal Investigation and Detection Group 11 ng Philippine National Police sa Task Force Davao Check Point sa Barangay Sirawan, Toril, Davao City dakong 9:20 ng gabi ng Martes.
Si Estrada ay naaresto lulan ng Izusu Big Horn na may plakang BDV 864 kasama ang isang Zacaria Delos Santos Mancia Jr.
Siya ay naaresto sa bisa ng CC#7610 sa kasong kidnapping at serious detention na isinampa sa Regional Trial Court Branch 3 sa Nabunturan Compostela Valley Province
Nakuha sa kanilang pangangalaga ang isang kalibre 45, dalawang fragmentation grenade, isang laptop at limang cellphone mga dukomento at ilang personal na gamit.
Ang dalawa ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng CIDG 11.
Si General Gregorio Pio Catapang Jr, Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines ay pinuri ang mga namuno sa Army at PNP Davao sa pagkakahuli ng kilalang lider ng NPA.
(Source: Press Release, PAO,AFP)
No comments:
Post a Comment