AFP: Always Forging for Peace!

45 Years of Lies and Deceptions of the CPP-NPA-NDF #htmlcaption1 Soldiers for Peace YES TO PEACE..STOP TERRORISM!

Monday, April 13, 2015

2 nasawing sundalo sa Sulu encounter, binigyan ng arrival honor sa WestMinCom


ZAMBOANGA CITY (MRDS|BomboRadyo) - Binigyan ng arrival honor ang dalawang nasawing sundalo sa pagdating ng kanilang mga labi sa Western Mindanao Command (WestMinCom) sa Barangay Calarian, Zamboanga City.

Matatandaan na nasawi ang dalang sundalo ng 32nd Infantry Batallion ng Philippine Army (PA) sa panibagong sagupaan kahapon sa bulubunduking bahagi ng Sitio Kan-Amat, Barangay Gata Talipao sa Sulu.

Ang 15 pang nasugatang sundalo ay dumating na lahat sa Zamboanga City kung saan tatlo sa mga ito ang dinala sa pribadong ospital.

Habang ang 12 iba pa ay naka-confine naman sa Camp Navarro General Hospital na karamihan ay nagtamo ng mga sugat mula sa mga shrapnel ng M203.

Siniguro naman ng WestMinCom na nasa stable condition na ang lahat ng mga nasugatang sundalo.
Kabilang sa 15 nasugatan ay ang dalawang opisyal na kinilalang sina Lt. Nablo at Lt. Arado.

Nagsasagawa umano ng law enforcement operation ang tropa ng 32nd IB sa pangunguna ni Lt.Col. Gregorio Nieveras nang maka-engkuwentro ang nasa humigit kumulang 200 bandido na nasa ilalim ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Radulan Sahiron.

Sa ngayon ay inihayag ni Yoma na umakyat na sa siyam ang napaulat na napatay na Abu Sayyaf sa naturang engkuwentro habang mahigit 10 pa ang sugatan.



No comments:

Post a Comment

Ipaglaban ang ating Kalayaan!

The West Philippine Sea is Ours!Support our campaign..#NoToChinaInvasionEnvironmentDestructionxinchai |...

Posted by Kawal Pinoy on Monday, May 11, 2015

Recent Post

Blog Archive

Followers

Google+ Followers